You,

Napapagod na akong maghintay. Napapagod na akong makaramdam ng inggit sa t’wing pinapalibutan ako ng mga kaibigan kong inlove sa mga boyfriend nila. Napapagod na akong maiwanan mag-isa ng mga kaibigan ko dahil may date sila. Napapagod na akong ma-OP ‘pag pinag-uusapan ang kanya kanyang relasyon nila. Napapagod na akong magkunwaring masaya sa t’wing nagkukwento yung kaibigan ko sa mga kakiligan niya. Napapagod na nga ako sa kasasabing napapagod na ko eh. Kelan ka ba kase dadating? Oo, masaya din maging single, pero di ko talaga maiwasan mainggit sa iba. Dumating ka na, please.